Copyright © Just Thoughts!
Design by Dzignine

Sino Ako? Who Am I?

Halo sa tagapag-basa ng aking blog o diary o ano man tawag neto!

Sino nga ba ako? Alam ko ay ako si ako! Ang Pangalan ko pala nakalagay sa header/background ng blog. Nabasa/Nakita mo? Pag-hindi natural kang tao! Pag-oo, ano ang nakikita mo na hindi ko nakikita?

Ako ay isang pilyosopong tao. Ano iyon? Pinaghalong Pilosopo at Pilyong tao! Baket ganun ako? Dahil gusto ko mabuhay ng ganun! Bukod sa pagiging pilyosopo kong tao, isa din akong katolikong tao. Yung taong naniniwala sa ating Panginoon! Sino ba Panginoon natin? Alamin mo! Kung naniniwala ako sa Kanya ibig sabihin isa din ako sa mga normal na tao na makasalanan. Hindi ako naiiba!

Ano pinag-gagagawa ko sa buhay? Sa ngayon isa akong estudyante ng isang paaralan. Ang paaralan na yun ay nag-ngangalang Mapua Institute of Technology (Proud ako eh). Ilang taon na ako nag-aaral dito pero di ko pa masyado masilayan ang araw sa dulo ng hanganan. Bukod sa pagiging estudyante ko, isa akong MABUTING anak nina Mr. and Mrs. Arreola (may clue na kayo). Ikatlo ako sa pamilya ng tatay ko. Hulihan ako sa pamilya ng nanay ko. Magulo ba? Intindihin niyo nalang! Bukod sa dalawang pinag-gagagawa ko, isa din akong computer addict! Hiyess! Virtual ba iyon o cyber world na tinatawag. Mahilig ako maglaro ng mga laro siyempre!

Mga inpormasyon tungkol sakin? 20 young old palang ako! Mag 21 ngayong darting na Marso! Kalimutan ko anong araw iyon basta malapit na! Lalake ako! Walang girlfriend! Yan lang muna! Malalaman niyo naman kung sino ako kung susubaybayan niyo bawat ilalagay ko dito eh!

Ang tagapagsulat na si Elmo!

No comments:

Post a Comment